Tuesday, May 8, 2012

Random Tuesday Thoughts

I'm feeling under the weather today. Must be the colds, and I hope it won't progress to a cough. I'm downing Green Barley and lots of water to counter the virus.

A lot of things are happening these days. Well, for one, showbiz-landia is so alive! Let's admit it, we think it's cheap to even talk about them, but we're hooked anyway. CASES IN POINT!

Anabelle vs. Nadia
All I can say is, ayoko maging friend si Anabelle at baka biglang maging frenemies kami, maging hell ang life ko. This woman is so full of "angst". I must say, naloloka ako sa kanya. Nadia, on the other hand, should have thought first before allowing her children to enter showbiz. Pero sabi nga nila, pera-pera lang yan.

Ara vs. Cristine
I always feel sad when I hear of siblings fighting over money. Me and my sisters and brother promised each other that we would never fight over money and would be as generous to each other as we can be. Pero iba siguro kapag sangkatutak ang pera. Nakakasilaw siguro. Si Ara naman ay feeling ko nakikiride sa kasikatan ni Cristine. Nagkakalat daw ng tsismis si Cristine, eh hindi nga alam ng taong bayan kung ano yon, kung hindi lang sya nagpainterview. Nakakalurky. Pero malay natin may root cause ang kanilang hinanakit sa isa't-isa. Ika nga, we can never can tell.

Albie vs. Andie
Kung ako din naman, makita ko ang ex kong iniwan akong mag-isa habang buntis, baka sinabuyan ko ng asido. Sosyal lang si Andie at wine ang hawak nya. She just reacted as any hurt woman would.
PS to the mother of Albie: please keep your mouth shut. It just makes your son look more like a weakling hiding in his mother's clothes. Once and for all, give your son some backbone and let him handle his own problems.

and the most exciting of all.... Tulfo vs. Santiago
I saw the online link of the T3 show of the Tulfo brothers, and nakakaloka! Kung ako si Claudine, maiihi ako sa takot. Hahaha! I think the whole brawl has got to do with the supermoon. Affected ang mga mood at pag-iisip ng mga utaw. Kidding aside, I think it was just a whole case of misunderstandings gone wild. Eto ang tingin ko:

1. CebuPacific should have informed their passengers if their luggages were not on board. This must be a protocol. Hindi enough na sasabihin  nila na ipapa home delivery nila ang lost baggage. Come on! Nakakirita nga naman if galing ka sa stressful flight only to find out na wala kang gamit.

2. CebuPacific must greatly improve their customer service, including their ground personnel. Tanggapin na natin ang katotohanan na marami talagang irate at pa-VIP customers na maninigaw kapag hindi nasunod ang gusto nila. Dapat trained ang personnel to handle these situations at hindi lang sila nagsosorry, kasi mas lalong nakakagalit yon. I remember during my SMART days na ang frontliners, may special training pa how to handle irate customers, yung tipong naninigaw. Dapat may ganon ang CebuPacific, lalo na't palpak lagi ang service nila.

3. Baka hindi si Claudine ang nag-empake ng bagahe nila (ang yaya kaya?), pero kung importante pala ang medications ng anak nya, dapat nakahand carry ito. Pwede naman kumuha ng special permit to carry these.

4. Baka akala ni Claudine nasa shooting sya kaya naninigaw, bringing back her glory days of being the Primetime Queen.

5. Lesson sa lahat ito, ayaw ng mga lalaki ng nagger. Kuda siguro ng kuda itong ni Claudine kaya na-aikido ni Mon. A little patience goes a long way, especially if you are a public persona who has an image to protect.

6. Plus 1000 pogi points si Raymart sa pagiging ulirang asawa. Bilib ako sa taong ito. Sa lahat ng tsismis about his wife at sa family nila, talagang stick pa rin sya through thick and thin. Kung ako naman sya, at nakitang inaapi ang asawa nya, talaga namang lalabas din ang aking da moves. Kaya keri lang yan Raymart.

7. Eto namang si Mon, naghahanap lagi ng action. Ang sabi ng maraming airport witness (na nabasa ko lang din), kinudaan daw sya ni Claudine kaya tinulak nya ito at tinadyakan. Parang mali nga naman. Una palang, if talagang sincere sya na nagsympathize sya sa kawawang FA's na tinalakan ni Claudine, instead of taking a video, dapat nilapitan nya ang mga ito at tinulungan silang ipacify ang situation. Parang malicious kasi ang intent nya, knowing the Tulfo's who bribe their subjects in exchange for non-exposure. Pangalawa, if kukuha sya ng video na makakagalit ng iba, eh lolo, maging discreet ka naman kahit papano. Huwag yung kukuha ka ng video na kitang kita ng lahat. Talaga namang babanatan ka ng mga yan. Pangatlo, if ang pakay nya doon ay hindi makigulo, sana pinakita nalang nya ang cellphone nya at nagapologize. Pero hindi eh. Feeling ko kasi gagawin nyang scoop yon at pagkaka-kitaan sana.

8. Ang winner sa lahat, ang NAIA T3. Lahat ng pasahero nagbabayad ng terminal fee na pagkamahal mahal, at walang CCTV? Nakakaloka!! Pano nalang kung may bomb threat, or may napatay. Sorry nalang? Naku naku naku.

Oh diba, buhay na buhay ang tsismis, nakakatanggal ng antok. Pero seryoso tayo, I guess my two cents worth of opinion is: mga boys and girls, always learn to breathe in and breathe out. Huwag papadala sa init ng ulo, at baka malintikan kayo, especially sa panahong ito na konting mali mo na, flavor of the moment ka na sa Youtube, Facebook at Twitter :)

PS. Ano kaya ang iniisip ngayon ni Juday (na super sexy ulit) sa kalagayan ni Claudine? :)

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...